| Mga Karaniwang Katanungan |
• Paano gamitin ang Fone Buster.com?
• Mayroon bang kahit anong bayad na suskrisyon, administratibo o ano pa?
• Magkano ang isang tawag sa BANSANG X?
• Pwede bang gamitin ang Fone Busters.com mula sa mga payphone?
• Paano ang pag-singil sa mga tawag?
• Maari ba akong gumamit ng cell phone sa pagtawag?
• Bakit kinailangang palitan ang access na numero sa BANSANG X?
• Maaari bang gamitin ang mga access na numero sa labas ng Ireland?
• Kailan nagsisimula ang singil sa tawag?
• Kailan ko dapat pindutin ang pound (#) key?
• Sumobra ang singil ng Fone Busters.com!
• Paano kumontak sa customer service?
• Sisingilin n'yo din ba ang taong tatawagan ko sa ibang bansa?
• Natanggap ko na ang bill ng telepono ko at buo ang siningil sa internasyonal na tawag ko. Bakit ganito? |
 |
|
Simple lamang ang paggamit nito. I-dial ang access na numero ng destinasyon, kasunod ang buong internasyonal na numero ng teleponong nais tawagan. Kung may mga tanong ukol sa pag-singil, pumunta lamang sa "Paano ang pag-singil sa mga tawag?" na matatagpuan sa Mga Karaniwang Tanong.
Paano magpatala para sa inyong serbisyo?
Hindi mo na kailangan magpa-rehistro para magamit ang Fone Busters.com. Ang kailangan lamang ay i-dayal ang access na numero upang matawagan ang anumang internasyonal na destinasyon. |
| Mayroon bang kahit anong bayad na suskrisyon, administratibo o ano pa? |
itaas > |
|
| Wala nang kahit anong singil na idadagdag sa presyo ng Fone Busters.com. All-inclusive or saklaw na ang lahat ng gastos sa koneksyon o suskrisyon sa bawat halagang nakasaad sa anumang access na numero. |
| Magkano ang isang tawag sa BANSANG X? |
itaas > |
|
Alamin ang access na numero ng bansang nais tawagan at pagkatapos ay tingnan ang presyong nakasaad sa ilalim ng naturang numero. Ito ang singil sa bawa't minuto ng tawag mo: sakop na nito ang buong internasyonal na halaga ng pagtawag mo.
Kada minuto ang singil sa bawa't tawag (ang esatbt, eircom at NTL ay kada segundo din ang singil; alamin mula sa inyong service provider kung kada segundo o kada minuto ang singil nila). Halimbawa, ang isang internasyonal na tawag gamit ang access na numero na nagkakahalaga ng 2ct./min. at tumagal nang 10 minuto at 30 segundo: 10.5 minuto x 2cts. = 21 cts.
Kadalasan, ang inyong service provider ay nagpapataw ng minimum o singil sa koneksyon sa bawa't tawag. Ang Eircom, halimbawa, ay sumisingil ng 6.35 para sa minimum. Upang mabatid ang singilan sa inyong telepono, maari lamang na kontakin ang inyong network provider. |
|
| Ang aming mga access na numero ay matatawagan gamit ang anumang Irish na telepono, kabilang na ang mga payphone. Subali't kailangang tandaan na ang ibang mga payphone ay sumisingil ng surcharge kung kaya't maaring mas mataas ang inyong babayaran kaysa sa nakasaad sa website na ito. |
| Paano ang pag-singil sa mga tawag? |
itaas > |
|
Ang singil sa paggamit ninyo ng aming access na numero ay makikita sa normal na bill na pinapadala ng inyong telephone provider (Kadalasan ay Eircom o ESAT).
Alalahanin lamang na ang mga palabas na internasyonal na tawag ay maaring hindi isaisahin sa inyong bill. Dahil ang inyong telephone provider, at hindi ang Fone Busters.com, ang naghahanda ng bill ninyo, makikita ninyo lamang kung anuman ang ililista nila. Ipagpaumanhin ninyo subali't hindi kami maaring magbigay ng detalye ng inyong mga tawag. |
| Maari ba akong gumamit ng cell phone sa pagtawag? |
itaas > |
|
Oo, pwede n'yong gamitin ang inyong cell phone. Tandaan lamang na maaring kayong mapatawan ng surcharge, depende sa inyong plano o mobile operator. Wala kaming kontrol o anumang matatangap sa surcharge na maaring singilin ng inyong network provider.
Mariin naming minumungkahi na alamin mula sa inyong network provider ang kanilang singil sa aming mga access na numero. |
| Bakit kinailangang palitan ang access na numero sa BANSANG X? |
itaas > |
|
Fixed ang singil sa aming mga access na numero. Dahil hangad namin na ibigay ang pinakamababang halaga hangga't maari, nagbabago din ang mga access na numero kapag bumababa ang halaga. Sa bawa't pagkakataon na ang aming Telediscount buying team ay nakakakapagsara ng magandang transaksyon, dali-dali namin itong ipinapasa sa mga kliyente sa pamamagitan ng pagpapababa ng singil sa mga sakop na destinasyon.
Sa sandaling ang anumang espesyal na negosasyon ay matapos na, kakailanganin na rin namin na ibalik ang original na singil at access na numero.
Upang makasigurado na magagamit mo ang access na numero na may pinakamababang singil, maari lamang na magpalista para sa aming libreng pahayagan. |
| Maaari bang gamitin ang mga access na numero sa labas ng Ireland? |
itaas > |
|
| Ikinalulungkot namin nguni't sa loob lamang ng Ireland maaaring gamitin ang aming mga access na numero. Kaya't kung ikaw ay sa ibang bansa nakatira or dili kaya ay nasa holiday sa labas ng Ireland, hindi n'yo magagamit ang aming serbisyo. |
| Kailan nagsisimula ang singil sa tawag? |
itaas > |
|
| Ang singil ay magsisimula sa sandaling nakakonekta ka na sa aming serbisyo, at hindi sa sandaling sinagot na ang inyong tawag. Nguni't kung saka-sakaling hindi sinasagot ang inyong tawag, ipapa-alam ng operator ang bagay na ito at kayo ay madi-diskonek sa loob ng humigit-kumulang na dalawang minuto. Ipagpaumanhin ninyo nguni't hindi namin maaring baguhin ang polisiyang ito dahil na rin sa hangad namin na makinabang kayong mga kustomer sa mababang tawag na hindi na kailangang mag-rehistro. |
| Kailan ko dapat pindutin ang pound (#) key? |
itaas > |
|
| Ang silbi ng pound (#) key ay ang mapabilis ang koneksyon dahil ipinapa-alam mo sa computer na tapos mong nang i-dayal ang internasyonal na numero. Huwag mag-alala sakaling makalimutan ang pound (#) key dahil makaka-konekta ka pa rin sa iyong tatawagan. |
|
| Hindi kayo maaring singilin ng sobra ng Fone Busters.com. Ang singil sa aming mga access na numero by itinalaga ng Comreg, the ahensya nagre-regulate sa telecommunication sa Ireland. Ang lahat ng mga landline na service provider ay sumusunod sa halagang itinakda ng Comreg (maaring tingnan ang seksyon na "Maari ba akong gumamit ng cell phone sa pagtawag?). Nguni't tandaan na ang halagang sisingilin sa iyong bill ay nakabatay sa singil ng service provider mo. Wala kaming anumang kapangyarihan sa sistema ng kanilang billing. |
| Paano kumontak sa customer service? |
itaas > |
|
| Upang mapanatiling mababa ang aming singil, minabuti namin na huwag nang maglagay pa ng magastos na call center. Ang anumang katanungan o isyu ay maari ninyong i-email at agad namin kayong sasagutin. I-click lamang ang Kontakin Kami, matatagpuan sa kaliwang bahagi ng website na ito, para sa tamang proseso ng pag-kontak. |
| Sisingilin niyo din ba ang taong tatawagan ko sa ibang bansa? |
itaas > |
|
| Karaniwan nang ang tinatawagan ay hindi papatawan ng anumang singil. Nguni't kung ikaw ay nasa abroad gamit ang iyong cell phone, magkakaroon ka ng 'roaming charges' sa bawa't tawag na matanggap mo. |
| Natanggap ko na ang bill ng telepono ko at buo ang siningil sa internasyonal na tawag ko. Bakit ganito? |
itaas > |
|
Kapag ang singil ng inyong telephone provider at hindi ng Fone Busters.com ang lumabas sa iyong bill, ang ibig sabihin nito ay hindi na-dayal ang aming access na numero bago ang internasyonal na telepono ng tinatawagan.
Kapag tumatawag kayo sa isang destinasyon gamit ang serbisyo ng Fone Busters.com mula sa isang landline, hindi alam ng inyong telephone provider ang internasyonal na numero na iyong idinayal kung kaya't ang access na numero lang ng Fone Busters.com ang makikita sa iyong bill. Nguni't kapag lumabas sa iyong bill ang internasyonal na numero iyong tinawagan, nangangahulugan ito na ang tawag ay ginawa gamit ang iyong telephone provider at hindi ang Fone Busters.com.
Mahalagang tandaan na sa susunod na pagtawag sa abroad sa labas ng Ireland, unahing i-dayal ang access na numero ng Fone Busters.com bago ang internasyonal na numero. |